Dahil sa pagmamahal na iyong ipinadama
Puso't damdamin ko nyayo'y ubod ng saya
Di ko alam kung paano uumpisahan
Pagpapasalamat sa iyong ginawa.
Akala ko ay puro lamang kasiyahan
Laging magsasama't magtatawanan
Hindi iniisip na may problemang mapapasan
Sa Ating ipinadamang pagmamahalan.
Dahil sa mga kalokohang aking nagawa
Dahil sa mga bisyong walang halaga
Ikaw sa akin ay minsang nagtampo
Na nagdulot sa aking magulong mundo.
O aking mahal, ito ang aking kahilingan
Sana ako ay lubos na maintindihan
Dahil para lang sayo ang buahy kong ito
Mahal na mahal kita, at yan ang totoo!

No comments:
Post a Comment